Pre-Valentine’s Day

Image

We celebrated our pre- valentine’s at Banapple. Tripple date ang peg namin. First time namin magkasama-sama sa isang date. Usually, kami lang nila Nof and Rei ang magkakasama sa lakaran pero nung araw na yun niyaya kami nila Jea. Ang unang plano kasi namin ni Rolan pupunta kami sa Banapple sa Feb 14 mismo, buti nalang napaaga ang punta namin dahil sobrang daming tao sa mga malls. Kahit ano pa man, kahit kailan, kahit saan basta kasama ko si Rolan okay na okay. ♥♥♥

Image

 

Well, kung irarate ko ang Banapple from 1-10, 10 is the highest, I gave them 8. Ang natikman palang kasi namin ay ang pasta nila at masarap siya. Super satisfied kami. Next time deserts naman ang susubukan namin. Nabawasan na ng isa ang must-try restaurant na nasa list namin. Next naman ay ang Uncle Cheffy 🙂

 

Image

Mayo

Ang tagal pa ng hihintayin ko bago ang buwan ng Mayo. Masaya akong ibalita na ga-graduate na ako sa May. Kung sana agad naming natapos ang thesis, sana ngayong February ako ga-graduate. Kahit ano pa man, masaya ako dahil matatapos ko na din ang college. Ang susunod ko namang haharapin ay ang totoong buhay sa labas ng eskwelahan. Hindi ko alam ang dapat ko maramdaman. Dapat ba akong matakot or masabik, halo-halo ang nararamdaman ko. Pero malapit ko ng maabot ang goal ko sa buhay, ang magpakayaman para masuklian ko lahat ng ginawa ng mga magulang ko para saakin.

Dahil ga-graduate na nga ako/ kami nagsisilabasan na ang early presents nila galing sa mga magulang nila. Napaisip ako, dapat pa ba ako humingi ng regalo sa magulang ko? E sa tignin ko ang pagpapaaral nila sa akin ay isang malaking regalo na. Hindi naman para sa kanila yun kaya nila kami pinag-aral kundi para sa amin, para sa kinabukasan namin. Dapat pa nga kaming mga anak ang magbigay ng regalo sa kanila dahil sa mga sakripisyo na ginawa nila para lang mapag-aral kami. Sa ngayon wala pa ako maibibigay ng mamahaling bagay pero handog ko sa magulang ko ang diploma ko. Ibinibigay ko sa kanila iyon bilang tanda ng pagsisikap nila mapagtapos lang kami. Sa munting bagay na iyon sana mapasaya ko sila. Naalala ko bigla nung tinext ko ang Mama ko after ng defense namin sa thesis. Sinabi ko sa kanya na accepted na ang aming thesis. Pagdating ko sa bahay, habang kumakain kami bigla niyang sinabi sa akin na naiyak daw siya sa text. Wala naman ako madramang text dun, sinabi ko lang na ‘accepted ang thesis namin’ pero naiyak pa din siya. Ibig sabihin lang na ang pinakahihintay nilang regalo mula sa amin ay ang malamang ga-graduate na kami. Isang malakas na palakpak para sa ating magulang! (clap) (clap)

Happy :-))

Image

 

Ang sarap lang sa pakiramdam na yung akala mong araw na sira at depressed ka, sa isang iglap mawawala dahil nakausap mo lang siya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang baguhin ang mood ko ng ganun kabilis, pero ako ay nagpapasalamat dahil dumating siya sa buhay ko. So happy :-)) ♥♥♥

January 07, 2013

Image

A memorable date for me. I received a bouquet of flowers from a special person who’s really close to my heart. He even sang a song. It’s my first time to receive this kind of gift from a guy. I’ve been in a relationships before but they didn’t  do this kind of thing to me. In my past relationships, we just go out for a movie or eat in a restaurant but they never do this.

I’m just happy that there is a guy who can took all this kind effort just to show to the girl that he really loves her. And the answer to the question “Will you be my girlfriend?” I said “Yes!”

Over

Hanggang kelan ba dapt magpasensya ang isang tao? Hanggang kelan ba dapat umunawa? Minsan nakakapagod din. Lalo na kung yung taong inuunawa mo hindi ka kaya unawain. Pinili kong manahimik nalang, dahil kaibigan ko siya. Pinili ko iyon dahil kapag ako na ang nagsalita kung ano mabigat ng salita ang mabitawan ko sakanya at sigurado masasaktan siya. Ayun na nga, nasaktan na nga. Kasalanan ko ba? Hindi lang naman siya ang nasaktan ako din. Bago ko binitawan ang mga salita na sinabi ko sakanya pinag-isipan ko iyon mabuti. Ang tagal lumaro sa isip ko ang mga salitang iyon, simula pa siguro nung mga panahon na inuunawa ko pa siya. Pero sagad na. Sagad na sagad na. Sa oras na ito AKO pa rin ba ang dapat umunawa? Kelan yung panahon na siya ang uunawa sa kalagayan ko? 

Ang nakakainis pa na part, ang nilagay niya sa tumblr niya ay tungkol kung paano mapapatunayan ang pagkakaibigan. AKO na naman ba ang pagsasabihan niya ng ganyan? Ang daming panahon ko na napatunayan ang bagay na iyan. Kahit nung mga panahon na akala ko dadamayan niya ko pero HINDI! Tama bang isumbat mo saken ang lecheng bagay na iyan, eh kung sa totoo lang lahat binigay ko DAHIL KAIBIGAN KITA! 

Bakit ang hirap magpapayat??! Sa tuwing iisipin ko na gusto ko na talaga pumayat, nabubuhayan ako pero kapag gagawin na ANG HIRAP!! Lalo na kapag sinabayan pa ng katamaran. Tamad na tamad ako mag-exercise, or kahit anong papawis na gawin. Mas mahirap tanggihan ang pagkain lalo na kapag masarap yung nasa harap mo. Hay hirap talaga. Pwede bang kumain na lang ng kumain na hindi tumataba? Gusto ko pumayat ng wala ako ginagawa. Alam ko imposible pero ano gagawin ko? 😥

Wedding

Image

After ko manuod ng Zoren-Carmina wedding, naapektuhan talaga ako. Ang saya lang. Parang movie lang na happy ending. Akala ko wala na tatalo sa Ryan-Judy Anne wedding pero meron pa pala. Ang concept ng happy ending sakin ay Wedding. Kaya siguro kapag nanunuod ako ng movie, kapag hindi nagkatuluyan ang mga bida kahit masaya pa sila, hindi maganda ang movie para saakin. Kapag kasi hindi  happy ending ang movie, parang may kulang. Kung baga sa isang ulam parang nagkulang sa asin, sa pampasarap ganun.

Ang saya makakita ng dalawang taong kinakasal. Kahit dati, kapag nakakakita ako ng kinakasal sa simbahang pinupuntahan ko,ang saya lang ng feeling. Nanunuod ako kahit hindi ko sila kamag-anak or kahit kilala man lang. Tinitingnan ko yung mga decorations na ginawa sa simbahan, yung wedding gown, color na ginamit, lahat ng details. Tapos tska sasagi sa isipan ko na balang araw mararanasan ko din yan at mas maganda pa sa lahat ng nakita ko. Hindi ko gusto yung typical wedding lang. Yung plano nalang bigla para mairaos lang at masabing kasal kame. Gusto ko pinag-isipan mabuti, planado. Hindi ko maexplain pero gusto ko yung mararamdaman ng babae na magical ang araw na iyon. Pangarap kaya ng bawat babae na magkaroon ng magandang wedding, so dapat lubos-lubusin na.

Hindi ko pa naman gusto ikasal na agad, pero alam ko darating din ako sa oras na yun, at gusto ko maging magical parang fairytale. 🙂

I am patiently waiting for that day to come.♥

Stalker

Sa bawat pagbukas ng laptop at mag-iinternet ako, hindi ko na maiwasang hindi puntahan ang site na yun. Dati kasi binubuksan ko yun dahil sa taong gusto ko. Tinitingnan ko ang mga sinusulat niya tungkot kay HIM. Pero ngayon na wala ana akong gusto, ganun pa din, tinitingnan ko pa din. Curious kasi ako. Simula kasi nung nagkaaminan na lahat, hindi na kami nagkukwentuhan kaya ito nakita kong paraan para malaman ang mga saloobin niya. Nakita ko sa site na yun na nagselos siya saakin, nagkakagalit sila, at ngayon may problema naman sila. Gusto ko iwasan na ang pagpunta sa site na ito pero parang habit na, kusang pumipindot na ang kamay ko para pumunta doon. 

Ngayon na nabasa ko na may problema ang babae, naawa ako sakanya. Hindi ko alam kung panu siya icocomfort na hindi niya malalaman na nababasa ko lahat ng mga sinusulat niya. Taksil ba ako? Uo sa tingin ko taksil akong kaibigan. 😦